Oh, no, no, no, no, no, no Kung bibitaw nang mahinahon, ako ba'y lulubayan ng ating Mga kahapon na 'di na kayang ayusin ng lambing? Mga pangako ba'y sapat na upang muli tayong Ipagtagpo ng hinaharap? Ba't pa ipapaalala? 'Di rin naman panghahawakan Ba't pa ipipilit Kung 'di naman (kung 'di naman) tayo ang Para sa isa't isa? 'Di ba, sinta, tayong dalawa lang noon Para sa isa't isa? Oh, whoa Ba't 'di sumang-ayon sa atin ang panahon? Siguro nga'y wala nang natira sa mga sinulat mo na para sa 'kin Alam kong luha ang bumubura ngunit hayaan mo na lang Walang saysay ang panalangin ko kung 'di ako ang hahanapin mo Kahit sigaw pa ang pagsamo ko sa 'yo, bakit 'di mo dama 'to? Ba't pa ipapaalala? 'Di rin naman panghahawakan Ba't pa ipipilit Kung 'di naman (kung 'di naman) tayo ang Para sa isa't isa? 'Di ba, sinta, tayong dalawa lang noon Para sa isa't isa? Oh, whoa Ba't 'di sumang-ayon sa atin ang panahon? Para sa isa't isa (sa isa't isa) 'Di ba, sinta, tayong dalawa lang noon (tayo, tayo) Para sa isa't isa? Oh, whoa Ba't 'di sumang-ayon sa atin ang panahon?